5.3.09

S-Singles F-for C- What does your C stands for?

Ang SFC ay may iba’t ibang categories.

Hanapin ang sarili mo sa mga nasabing categories:

1. Singles for Conferences - ang mga yuppies na madalas makita sa mga conferences. Pag umuwi ka sa bahay ng mga yuppies na ito, mapupuna mo kaagad ang kanilang koleksyon ng mga ID’s at mga conference shirts. Pero nakakalungkot lang na sabihing kung gaano kadami ang kanilang koleksyon, ganoon din kakonti ang koleksyon nila ng kabutihan.

Ang mga Singles for Conference ay may mga subcategories pa:

a. Singles for Conferences, major in sports and creative Competitions - ang mga yuppies na pinagpala sa larangan ng sports, mga pisikal na aktibidad, kagalingan sa creatives. Marahil ang iba sa kanila ay nakakasungkit ng gintong medalya at pwede nang ipanlaban sa Olympics, pero hindi nila masungkit-sungkit ang gintong medalya ni Lord God at hindi pa sila well trained para sa Olympics ng buhay, nakukuha nila ang palakpak at hiyaw ng mga audience nila, pero sa totoong buhay ay palpak sila at hilaw sa pagmamahal.

b. Singles for Conferences, major in Cheering - ang mga yuppies ito ay hindi pinagpalang pagkalooban ng talentong inclined sa Creatives or sa Competitions. Pero pinagpala naman sila ni Lord God sa animo’y mega-phone na mga boses na swak na swak pang-cheer sa tropa. Sila ay masipag na umaattend ng mga conferenes para suportahan ang kanilang mga kaibigan, hindi para suportahan ang kanilang panananampalataya kay Lord God.

c. Singles for Conferences, major in side trippings. – ang mga kapatid na ito ay ang madalas sumama sa mga conferences hindi para makinig at madagdagan ang kaalaman sa mga mensahe ni Lord God, kundi mamasyal, mamasyal at mamasyal,kasama ang kanilang mga camera at mag-posing ng magposing. At sa kanilang pgbabalik sa kani-kanilang mga lugar, baon nila ay sangkatutak na pictures at pasalubong sa mga nghihintay na mga kaibigan, at ang alaala ng conference ay makikita na lamang sa mga litrato at hindi sa totoong buhay.

2. Singles for CLP - Lumilitaw lang ang mga kapatid na ito tuwing may masasagap na mga CLP. Ang saulado lang niya sa mga talks ay angTalk 1- Gods Love. Ang mga sumunod na talks ay pawang saulado sa numero. Sila ay karaniwang present tuwing orientation at Talk 01 hindi upang tumulong sa service team kundi para makilala ang mga bagong participants at kadalasang bumabalik sa Lords Day Celebration.

3. Singles for Crush - ang mga kapatid na naghahanap! Sila ay walang kasawa-sawa sa pghahanap ng posibleng maging GG. Umaattend lang ng mga activities para maghanap ng prospect. Sila ang mga walang sawang nag-papacute sa mga cute. Madalas din nilang hawak ang kanilang mga gudgets gaya ng cellphone, para makuha ang numbers ng mga prospects, at ang kanilang mga digicams, para naman makakuha ng nice shot sa kanilang mga prospects. Kapag walang kacrush-crush sa paligid, either mawawala na lang sila bigla or makikita mo na lang silang nagtetext sa isang tabi.

4. Singles for Cute - ang mga kabataang katandem ng mga Singles for Crush. Sila naman ang mga magaganda, mga guwapo or mga F-na-F nateng mga kapatid na walang ginawa kundi magpa-cute.

May subcategories din ang Singles for Cute:

a. Singles for Cute, major in Clothing - ang mga kapatid na parang akala mo aattend ng fashion show. Parati silang makikitang suot ang kanilang bonggang-bonggang mga damit. Umaattend lang sila sa mga activities para irampa ang kanilang mga nakakabighaning mga kasuotan. Sa kabila ng kanilang nakabibighaning mga kasuotan ay nagtatago ang kanilang mga pusong tadtad ng butas at hindi pa nasusulsihan.

b. Singles for Cute, major in Cool Gadgets - ang mga kapatid na umaattend para lang irampa ang mga bagong cellphones or gadgets nila. Sila ay medyo nakakaangat na mga kapatid. Super proud sila sa kanilang mga materyal na expensive stuffs. Pero nakakalungkot na hindi mapurchase ng mga kapatid ito ang priceless na si Chirst.

5. Singles for Cliques - ang mga kapatid na super friendly! Lahat ay kilala siya, at napakagaling din na lahat ay knowing niya! Ayos na sana ang mga Singles for Cliques dahil kilala nila ang lahat sa area nila, kaso nakalimutan ata nilang i-friend si Kristo.

a. Singles for Cliques, major in Cellphones - ang mga kapatid na super ingay at aktibo sa mga GM’s at PM’s. Nagtatype ka palang ng itetext mo ay may reply na agad! Hanep! Kung gaano sila kabilis sumagot sayo, ganoon din silang kabagal sumagot pag si Kristo na ang nagtext.

b. Singles for Cliques, major in Closing - sila talaga ang mga kapatid na nangunguna sa fellowship. Pero may mga kakaibang taktika ang mga major in Closing, dahil pagkatapos lang ng Closing Prayer sila nagiging active. Madalas sila ang unang nagyayaya ng mga galaan or tambay modes sa mga ka-households. Madalas makikita mong nagbobonding ang mga kapatid ito after ng mga activities. Nakakalungkot na hindi na kasama sa bonding nila si Jesus Christ.

c. Singles for Cliques, major in Chismax - ang mga kapatid na ginagamit ang buhay ng iba para magfellowship. Mabilis sumagap ng mga latest ang mga ito, pero kadalasan eeh mali naman. Usually mga sisters ang mga kabilang sa major in Chismax. Imbis na ishare ng mga major in Chismax ang blessings ng buhay, ishineshare nila ang mga kamalasan ng iba nating mga kapatid.

6. Singles for Chore - ang mga kapatid napalusot! Hindi sila umaattend sa mga activities para gawin ang kanilang mga household chores-mglalaba, magluluto. Ayos din ang mga Singles for Chore, kasi dahil sa sanay sila sa mga household chores, makikita mo naman silang nangunguna sa pagliligpit at pag aayos tuwing may mga activities.

7. Singles for Compass - ang mga kapatid na adventurer. Lahat ng malalayong lakbayin ay andun sila, kahit sa ends pa ng earth yan. Nakakapagtaka lang na kapag may household na sila sa isang malapit lapit na lugar ay wala sila?

8. Singles for Chibog - ang mga kapatid na hindi nabubusog! Pupunta sila sa mga activities kung may libreng chibog at drinks. Madalas ma-late ang mga Singles for Chibog, dahil sinasakto nila ang kanilang arrival kapag tumayo na ang lahat at nagbless the food na. Pero sana, kung gaano kagutom at kauhaw ang mga kapatid na ito sa chibog, ganoon din sila kagutom sa pagmamahal at ganoon din sila kauhaw sa mga salita ni God.

9. Singles for Care - ang mga kapatid na kulang sa pagkalinga! Mga kapatid hyper at pinamamahaya ng hindi nauubos ang enerhiya sa pangungulit at pagpapatawa sa iba sa kabila ng kanilang mga edad.. Ang mga kapatid na ito ang kalimitang mga clowns. Napapatawa at naaaliw ka ng mga kapatid na ito. Pero, nakalulungkot na hanggang ganoon lang sila. Nawawala ang pagkahyper nila sa mga worship, at madalas tulog sa mga talks dahil need daw nila mag recharge ng energy.

10. Singles for Cult - ang mga kapatid na astig magworship! Matitindi ang mga kapatid sa pagpapray. Mahusay at napapahanga tayo ng mga kapatid na ito. Pero ang kahusayan pala nila ay bulok. Dahil hindi si Kristo ang sinasamba at dinadasalan nila, ginagawa lang nila ang mga pagtaas ng kamay at tounges para lang hangaan ng iba.

11. Singles for Christ - hindi perpekto ang mga kapatid na ito, nagkakamali, ngunit sa kabila ng mga pagkakamaling nagagawa, naroon ang pagsisisi ang paghingi ng tawad. At ang importante sa lahat, ang pagmamahal ni Kristo ay mas malaki kesa sa mga pagkakamali at kasalanang nagagawa.

San ka jan? :p

1 comments:

Pretsel Maker said...

Moment to Remember naiyak ako dyan